Sunshine Cruz nagpasalamat sa sexy star na na-link kay Cesar; ayaw nang magbuntis
NAGPAPASALAMAT si Sunshine Cruz sa dating sexy star na si Krista Miller na siya raw naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Cesar Montano.
Ayon kay Shine, wala na siyang nararamdamang galit laban kay Krista kahit na winasak nito diumano ang relasyon nila ng kanyang ex-husband na si Buboy.
Sa exclusive interview ng Wednesday night talk show na #ShowbizLive sa Inquirer Radio/TV 990 sinabi ng aktres na napatawad na niya ang dating sexy star at naka-move on na siya sa kanilang past at super happy na rin siya sa personal niyang buhay ngayon with her boyfriend Macky Mathay.
“Naka-move-on na rin naman ako sa nangyari. She may think that I am mad at her. She was well, alam naman ng lahat she was the cause of the break up of my marriage but then again thankful ako sa kanya kasi if not for her hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na harapin kung nasaan man ako ngayon,” ang pahayag ni Sunshine sa interview ng #Showbiz Live hosts na sina Izel Abanilla at Ervin Santiago.
“Basta hindi na ako galit sa kanya,” ang huling sey ni Shine.
Isa pang issue na napag-usapan ay ang kaso niya laban sa chef na nagpadala ng mga bastos na message sa kanyang menor de edad na anak.
Ani Sunshine, noong una ay pinalampas pa niya ang pambabastos ng chef at mas piniling manahimik. Pero nang banggitin na ang kanyang anak doon siya nag-post ng kanyang saloobin sa social media.
Rumesbak din ang ilang netizens kaya natukoy kung sino at kung saan nagtratrabaho ang nasabing chef. Noong una ay todo deny pa ito at sinabing na-hack daw ang account niya.
After a series of investigations, umamin si Lorence Anthony Diola Guardian sa kanyang ginawa at natanggal sa trabaho matapos mag-public apology.
Pero say ni Shine, although nag-public apology ang chef ay naka-block naman siya sa account nito kaya hindi rin niya nabasa.
“Ang dami rin sa aking mga babaeng nagme-message, nagpadala sa akin ng screenshots na binastos din ng lalaking ito,” sabi ng aktres.
Kakausapin din niya ang kanyang lawyer para alamin kung ano pang aksyon ang pwede niyang gawin, “Kahit yung may record lang siya sa NBI. Okay na yun eh, para at least alam lang ng mga tao kung ano yung ginawa niya talaga.”
Sa kontrobersyang ito, malaking tulong daw ang kanyang boyfriend na si Macky dahil ito ang tumulong sa kanya para mabigyan ng leksyon ang chef.
Speaking of Macky, natanong din kay Sunshine kung ilan pa ang gusto niyang maging anak kay Macky.
“I’m 41 years old na, hangga’t maaari I just want to enjoy my life, eh. Parang ayoko na uli mabuntis. Kung will yan ni God why not pero for now talaga, no,” aniya.
Sa usapang kasalan naman, ayaw niya muna itong pag-usapan dahil fresh pa ang pakikipaghiwalay niya sa dating asawa, “Bahala na. Pero for now sabi ko nga, magtulungan muna tayo (sa career at trabaho).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.