64 ‘narco-politicians’ tumatakbo sa May polls – PDEA chief | Bandera

64 ‘narco-politicians’ tumatakbo sa May polls – PDEA chief

- March 05, 2019 - 05:21 PM

TINATAYANG 64 pulitiko na sangkot umano sa iligal na droga ang tumatakbong muli sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino.

Sinabi ni Aquino na kabilang ang 64 pulitiko sa 82 personalidad na kabilang sa drug watch list ng gobyerno, kasama ang mga mayor, vice mayor, governor, vice governor at kongresista.

“I think it’s 64. They filed their COCs (certificate of candidacies) and the remaining 18 decided not to file [their COCs],” sabi ni Aquino.

Idinagdag ni Aquino na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga sangkot sa droga.

“[There are] some politicians na yumayaman. Hindi natin alam kung anong rason pero again sabi ko 82 lang iyan but I personally know there are more,” dagdag ni Aquino.

Iginiit naman ni Aquino na tutol siyang ilabas ang listahan bago ang halalan sa Mayo.

Sinabi ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nais niyang isapubliko ang drug watch list para matulungan ang mga botante kung sino ang hindi dapat suportahan sa paparating na eleksiyon.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo posibleng ihayag ng DILG ang mga pangalan na drug watch list matapos namang makakuha ng go signal mula kay Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending