Dagdag na welfare attaches sa iba’t ibang bansa malaking tulong sa mga OFW – Sen. Angara | Bandera

Dagdag na welfare attaches sa iba’t ibang bansa malaking tulong sa mga OFW – Sen. Angara

- March 04, 2019 - 03:54 PM

NAIS ni reelectionist Senator Sonny Angara na madagdagan ang bilang ng social welfare attaches sa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Angara, co-author siya ng panukalang batas sa ilalim ng Committee on Labor ni Senator Joel Villanueva na layong damihan ang mga nakatalagang welfare attaches para mabantayan ang kapakanan ng maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).

Maliban aniya sa mga labor attaches na nakatutok sa trabaho at kondisyon sa trabaho ng mga OFWs, mahalagang matutukan din ang kapakanan, at total well-being ng mga Filipino na nasa ibang bansa lalo na at may ibang nakararanas ng problema sa pag-iisip dahil sa pang-abuso.

Sa nasabing panukala ani Angara, tututukan kung anu-anong mga bansa ang higit na kakailanganin ng welfare attaches.

Tutukuyin aniya ang mga bansa depende sa datos o kung saang mga lugar may mataas na bilang ng mga OFW na naaabuso at nagkakaproblema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending