AlDub Nation muling naghasik ng bagsik sa socmed | Bandera

AlDub Nation muling naghasik ng bagsik sa socmed

Jun Nardo - March 03, 2019 - 12:05 AM


MULAT na mulat sa Twitter kahapon ang AlDub Nation.

Talagang kinarir nila ng loyal fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang pagpapa-trending ng iba’t ibang hashtags, huh!

Ang hashtag na #Maine24th, as of this writing ay may 124K tweets na habang ang #MaineTurns24 ay humamig na ng 95.9K tweets. Gamit naman ng ADN ang hashtag na #ALDUBxADNAlways na may 106K tweets; ang hashtag na #ALDENGabayGuro2019 ay may 10.6K tweets at ang hashtag na #MaineMendoza ay nakakuha na ng 38.3K tweets.

Samantala, kagabi naman ipinalabas ang birthday episode ni Meng sa sitcom niyang Daddy’s Gurl. Balita pa lang na lalabas sa programa si Alden pero walang kumpirmasyon kung sa episode kagabi nangyari ang kanyang guesting.

Maging ang director kasi ng sitcom na si Chris Martinez ay nagsabing abangan na lang ang tweet niya about it kaya naman siguradong abangers last night ang AlDub fans sa sorpresa ni Tatay Barak (Vic Sotto) para sa birthday celebration ng anak niyang si Stacy (Maine).

Naku, tiyak na nanginig na naman sa takot ang katapat na program ng Daddy’s Gurl dahil madadagukan na naman sila sa ratings game.

q q q

Makikisakay sina Boobay at Tekla sa Kara Mia craze dahil gagayahin nila ngayong Sunday night ang mga characters sa nasabing Kapuso series sa pamamagitan ng pagkanta ng “Total Eclipse of the Heart” sa The Boobay And Tekla Show!

Sa nasabi kasing kanta ay may linyang, “turn around” so kayanin kaya nila ang challenge na maka-turn around sa kabila ng kanilang pagiging conjoined twins?

Kaabang-abang din ang pagpapanggap na “girl” ni Jason Abalos sa segment na “Pranking in Tandem.” Customer sa resto si Jason at paglalaruan niya ang mga waitress doon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending