ISANG magnitude 5.1 lindol ang naitala sa Davao Occidental kaninang umaga (Biyernes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay 42 kilometro sa kanluran ng Sarangani. May lalim itong 175 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang napinsala o aftershock ang lindol na ito ang Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending