JRU HEAVY BOMBERS wagi sa EAC GENERALS | Bandera

JRU HEAVY BOMBERS wagi sa EAC GENERALS

Mike Lee - July 16, 2013 - 01:00 AM

Mga Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan)
4 p.m. Perpetual vs Arellano
6 p.m. St. Benilde vs San Sebastian
Team Standings: Letran (4-0); San Beda (4-1); Perpetual (3-1); Lyceum (2-2); San Sebastian (2-2); JRU (3-2); Arellano (2-2); Mapua (1-4); Emilio Aguinaldo College (1-4); St. Benilde (0-4)

SINANDALAN ng Jose Rizal University ang magandang laro nina Philip Paniamogan, Michael Mabulac at Marco Paulo Balagtas para biguin ang Emilio Aguinaldo College, 85-79, kagabi sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor ng 23 puntos si Paniamogan habang si Mabulac ay nagdagdag ng 16 puntos at siyam na rebounds para sa Heavy Bombers.

Nag-ambag naman ng 14 puntos si Balagtas at 12 puntos si John Pontejos para tulungan ang tropa ni JRU coach Vergel Meneses na umangat sa 3-2 baraha sa team standings.

Apat na tres sa anim na binitiwan ni Balagtas ang kanyang naipasok at dalawa rito ay ibinuhos sa ikaapat na yugto na kung saan lumayo ang Heavy Bombers ng 14 puntos, 83-69, may 3:41 na lang ang natitira sa orasan.

Sapat na ang kalamangan para pawiin ang kawalan ng field goals ng JRU hanggang matapos ang laro upang ipalasap sa Generals ang ikaapat na pagkatalo sa limang laro para malagay sa ikasiyam na puwesto sa 10-koponang liga.

Binigyan ng pagpupugay ni Meneses ang ipinakitang pagsusumigasig ng kanyang bataan sa pagdepensa lalo pa’t sina Igee King at Jan Jamon ay gumawa lamang ng walo at anim na puntos.

Si Noube Happi ay mayroong 20 puntos at 15 rebounds para pamunuan ang tropa ni EAC coach Gerry Esplana.
Dikitan ang laban at ang jumper ni Jamon ang naglapit sa EAC sa 58-60.

Gumanti si Balagtas ng tres para bigyan ng 63-59 kalamangan ang Heavy Bombers sa pagtatapos ng ikatlong yugto bago bumuslo pa ng dalawang 3-pointer ang bagitong si Balagtas habang pitong puntos ang inilagak ni Paniamogan para itaas ang bentahe sa 78-65.

Sa ikalawang laro, tinambakan ng San Beda ang Mapua, 78-53.

Nagtala si Baser Amer ng 17 puntos, 10 rebounds at apat na assists para pangunahan ang Red Lions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending