Kris umaming si Phillip ang nakauna sa kanya: I was a virgin and I got pregnant
MASAMANG-MASAMA ang loob ni Kris Aquino kina dating SAP Bong Go at Phillip Salvador dahil sa paggamit sa kanya bilang bahagi ng comedy skit sa kanilang pangangampanya.
Sa kanyang Facebook Live kamakalawa ng gabi, naglabas ng kanyang saloobin ang Social Media Queen tungkol sa kontrobersyal na “Naloko mo nga si Kris Aquino” joke nina Bong Go at Ipe na inalmahan din ng mga fans at followers ni Tetay.
“Naloko mo nga si Kris Aquino,” bahagi ng pahayag ni Go matapos umalma si Ipe sa balitang marami siyang anak sa iba’t ibang babae.
Hirit naman ng aktor, “Hindi ko siya niloko kahit kailan. Minahal ko siya. Hindi ko niloko si Kris.”
Personal nang nag-sorry ang kumakandidatong senador kay Kris, “I admire him because he was man enough to call me.
“I’m not saying it erases the sin, hindi ko sinasabi na nakakalimutan ko na ‘yung sakit. Ang sinasabi ko, humanga ako dahil nagpakalalaki siya at tumawag siya,” dagdag pa ng TV host-actress.
Aniya pa, “This is not politics. This was about a child, a special child, a child with autism who did not deserve this.”
“I hope that you understand masakit pa rin, dahil ginawa niyong biro ang buhay ko. Ang pinakamasakit, ginawa niyong biro ‘yung buhay ng anak ko,” aniya pa.
Kasunod nito, binanatan ni Kris si Ipe at sinabing never itong nag-reach out sa kanya o sa 23-year-old nilang anak.
“It really hurt. The hurt there comes from being made a joke of. And I am not blaming Bong Go. This is on you, Phillip Salvador. Tatay ka ni Josh,” rebelasyon ni Kris.
Kung matatandaan, pinuri pa ni Tetay si Ipe sa birthday video niya dahil kailanman ay hindi sila nito ginulo mula nang maghiwalay sila.
“Ang mali ko kasi, I let you off easily. Pinuri pa kita. Ang hindi ko nabanggit sa mga tao, 16 years kang walang inabot kahit piso kay Josh.
“Sana naisip mo, that line — ‘Naloko mo si Kris Aquino’ — what does that make of your son? Produkto siya ng panloloko?” pagdidiin pa niya.
“I was 23 years old when the relationship started. How many times did I hear, ‘Naka isa si Ipe,’ ‘Siya ang nakauna kay Kris’? Yes, totoo ‘yon, I was a virgin, and I got pregnant, and I left my family. I chose him.
“I turned a blind eye to the gambling, I turned a blind eye to the nights na hindi ma-explain kung bakit hindi umuuwi, kahit alam ko alam na ang shooting,” pagpapatuloy pa niya.
Nabanggit din niya ang tungkol sa pagpatol ni Ipe kay Rosanna Roces noong panahong nagsasama pa sila.
“If I am just part of a skit or part of a joke or part of a way to entertain people, what kind of country is this? Sana naisip lang ninyo na in the midst of your campaign, there is a 23-year-old boy who is special, who is autistic, who watches you — and I’m directing this message to Phillip Salvador,” dagdag pang hinanakit ni Kris.
“Nanahimik ako for so long, because I thought you were a good man. I equated goodness because hindi mo nga kami ginulo. Pero mali, e. Mali na kinalimutan mo si Josh… That’s not a big deal because I’ve done a good job in raising him. Pero mali na ginagawa mong biro ang anak ko.”
Bwelta pa ni Tetay, “I deserve that. I made the mistake of falling for you. I made the mistake of loving you. You did not love me. Because had you loved me, 20 years after, hindi ako magiging biro sa isang skit sa bawat entabladong inaakyat mo.
“Pero sana man lang, ‘yung bata na minahal ka… Sana man lang siya, naisip mo, dahil kadugo mo siya, e. Who cares about Kris Aquino?
“You don’t have to care about me, but you should care about Joshua, because that child never hurt you. And to this day, that child says mahal ka niya,” aniya pa.
“I chose the wrong man to love, and my son is now paying for that. Life moves forward, and the only thing I can do is try my best to be the best possible mother for this child, because he did not deserve to be made a joke of,” pahayag pa ng mommy nina Joshua at Bimby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.