Kris humanga sa pagso-sorry ni Bong Go: Pero napakasakit ginawa n'yong biro ang buhay ng anak ko | Bandera

Kris humanga sa pagso-sorry ni Bong Go: Pero napakasakit ginawa n’yong biro ang buhay ng anak ko

Ervin Santiago |February 28,2019
facebook
share this

Kris humanga sa pagso-sorry ni Bong Go: Pero napakasakit ginawa n’yong biro ang buhay ng anak ko

Ervin Santiago - February 28, 2019 - 11:55 AM

HINANGAAN ni Kris Aquino ang katapangan at pagpapakumbaba ni dating SAP Bong Go matapos itong mag-sorry dahil sa paggamit sa kanyang pangalan habang nangangampanya.

Pero kasabay nito, binuweltahan naman ng Social Media Queen ang dating partner na si Phillip Salvador at tatay ng anak niyang si Joshua, dahil sa pagpayag nito na magamit siya at ang kanilang nakaraang relasyon sa kampanya ni Bong Go.

Sa kanyang Facebook live video kagabi, naglabas ng sama ng loob si Kris tungkol sa ginawang “comedy skit” nina Bong Go at Phillip Salvador. Una muna niyang ipinakita ang mga video clips ng dalawa sa magkahiwalay na campaign sortie ng senatoriable.

“Naloko mo nga si Kris Aquino,” bahagi ng pahayag ni Go matapos umalma si Ipe sa balitang marami siyang anak sa iba’t ibang babae.

Hirit naman ng aktor, “Hindi ko siya niloko kahit kailan. Minahal ko siya. Hindi ko niloko si Kris.”

Sa ikalawang video na ipinalabas ni Kris, mapapanood si Bong Go na humihingi ng sorry sa Social Media Queen. Ito’y matapos na mag-post si Kris sa Instagram na na-offend siya sa joke ni Ipe at ng dating SAP.

“Ma’am Kris Aquino, paumanhin po. Gusto lang po namin kayo pasayahin, kaya may script kami ni Ipe na pinapatawa namin kayo. Ngayon, kung meron po akong medyo nasaktan, paumanhin po, script lang namin ‘to. Pagpapatawa lang. Joke lang namin ‘to ni Ipe.

“Hindi na namin gagamitin ‘yung joke na ‘yon. Ang importante po, mapatawa namin kayo at mapangiti, kasi puro politika na lang po ang naririnig ninyo,” aniya pa.

Ayon kay Kris, bukod dito, personal din siyang tinawagan ng politiko para humingi ng paumanhin, “I admire him because he was man enough to call me.

“I’m not saying it erases the sin, hindi ko sinasabi na nakakalimutan ko na ‘yung sakit. Ang sinasabi ko, humanga ako dahil nagpakalalaki siya at tumawag siya,” dagdag pa ng TV host-actress.

Pagpapatuloy pa ni Kris, “This is not politics. This was about a child, a special child, a child with autism who did not deserve this.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I hope that you understand masakit pa rin, dahil ginawa niyong biro ang buhay ko. Ang pinakamasakit, ginawa niyong biro ‘yung buhay ng anak ko,” aniya pa.

Bukod dito, inilabas din ni Kris ang sama ng loob niya kay Ipe dahil sa pambabastos sa kanya at kawalang respeto nito sa kanilang anak na si Joshua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending