SWS: Pinoy hindi kumbinsido sa nanlaban scenario, mga pulis sangkot sa bentahan ng droga, EJK, tanim ebidensya | Bandera

SWS: Pinoy hindi kumbinsido sa nanlaban scenario, mga pulis sangkot sa bentahan ng droga, EJK, tanim ebidensya

Leifbilly Begas - February 28, 2019 - 11:50 AM

HINDI kumbinsido ang mga Filipino na nanlaban sa mga pulis ang mga napatay na drug suspects sa war on drugs ng Duterte administration, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Sa survey noong Disyembre mas marami rin ang naniniwala na sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang mga pulis, gayundin sa extrajudicial killings, at pagtatanim ng ebidensya sa mga suspek.

Tinanong ang mga respondents kung sa kanilang palagay ay nagsasabi ng totoo ang mga pulis na nanlaban ang kanilang mga napatay sa war on drugs.

Ang sagot ng 28 porsyento (12 talagang hindi nagsasabi ng totoo at 16 porsyento na malamang hindi nagsasabi ng totoo) ay hindi. Naniniwala naman ang 10 porsyento na talagang nagsasabi ng totoo at 17 porsyento ang nagsabi na malamang nagsasabi ng totoo.

Ang mas maraming 44 porsyento ay hindi tiyak kung nagsasabi ng totoo o hindi ang mga pulis.

Ang survey ay may error of margin na plus/minus 2.6 porsyento. 

Pinakamarami ang naniniwala na hindi nagsasabi ng totoo ang mga pulis sa National Capital Region (34 porsyento) na sinundan ng iba pang bahagi ng Luzon (29 porsyento), Visayas (27 porsyento) at Mindanao (23 porsyento).

Sa paniwala kung sangkot ang mga pulis sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot, 68 porsyento ang naniniwala na totoo ito samantalang anim na porsyento lamang ang hindi.

Kung sangkot ang mga pulis sa EJK, naniniwala ang 66 porsyento na totoo ito at limang porsyento ang hindi.

Kung nagtatanim ng ebidensya ang mga pulis, naniniwala ang 55 porsyento na totoo ito at walong porsyento lamang ang hindi naniniwala.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondents. Ginawa ito noong Disyembre 16-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending