Daniel: Pwede ba, tigilan n’yo na ‘yang tsismis na hiwalay na kami ni Kathryn!
TILA napikon na si Daniel Padilla sa mga tsismis na hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo. Pinatunayan ng KathNiel na very much together pa rin sila nang dumating sila pareho (hindi man sabay) sa premiere night ng “Familia Blondina” na pinagbibidahan ni Karla Estrada.
Sa panayam ng press kay DJ, nakiusap ito na tigilan na ang chikang nag-break sila ni Kathryn, “Puwede ba, tigilan niyo na ‘yung kagaguhan na hiwalay na kami?”
Hirit pa niya, “Mukha bang hiwalay na kami? Mukha ba?” Ayos lang, ayos lang kami.”
Pahabol pa ni Daniel na tila bad trip na, “Oo nga naman, tayo lang ang nagpapalaki ng mga bagay-bagay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.