Kilalang aktres nawasak ang relasyon sa kaibigang female star dahil sa utang | Bandera

Kilalang aktres nawasak ang relasyon sa kaibigang female star dahil sa utang

Cristy Fermin - February 28, 2019 - 12:15 AM

NAGING magkaibigan sila nu’n.

Kapag may okasyon sa buhay ng sinuman sa kanila ay hindi puwedeng mawala ang isa sa kanila. Ganu’n sila ka-close nu’n.

Ang tinutukoy ng aming source ay isang pamosong female personality, saka misis ng isang sikat na sikat na male personality sa kanyang linya, magkaaway na nga ba sila ngayon?

Kuwento ng aming source, “Nu’ng maging close sila, e, ‘yun ang time na wala nang trabaho ang female personality. ‘Yun din ang panahong marami siyang inaasikasong personal problems, nagdedemandahan sila ng nakahiwalay niyang mister.

“Natural, kinakapos siya sa kadatungan nu’n, marami siyang binabayarang abogado, paano pa ang pag-aaral ng mga anak niya, ang panggastos nila sa bahay?

“So, ‘yun ang time na ang tumutulong sa female personality, e, ang friend niyang sobra-sobra ang kayamanan. Bale barya-barya lang ang mga kailangan niya para sa girl dahil bilyon ang pera nilang mag-asawa.

“Maganda ang relationship nilang magkaibigan. Wala silang bilangan, kung ano ang kailangan ng kahit sino sa kanila, all mine to give silang pareho,” umpisang kuwento ng aming source.

Pero mukhang tumamlay ang pagkakaibigan nila. Hindi na sila nakikitang palaging magkasama, wala na ang madalas nilang pagpo-post ng pictures sa social media na magkasama sila, wala nang lahat ‘yun.

Patuloy ng aming source, “Mukhang nakaapekto sa friendship nila ang utangan. Wala pa kasing pambayad ang female personality, wala siyang pagkukunan, dahil wala naman siyang trabaho.

“Ang nagpautang naman siyempre, e, umaasa na kahit paano, magbabayad din ang nangutang sa kanya. So, bigla na lang tumamlay ang relasyon nila bilang magkaibigan.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin nakababayad ng utang ang female personality sa friend niya, puwede naman siyang magpasaklolo sa isang relative niyang yayamanin, pero hindi niya ginagawa.

“Mahigpit sigurong maningil ang wife ng sikat na male personality, ginawa na rin kasi niya ang ganyan nu’n sa isang lady producer na nagkautang sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pak! ‘Yun ang kuwento ngayon, naniningil na ang girl, pero wala pa ring pambayad ang female personality na wala pa ring work. Hampasin na lang kaya ng girl ng bareta ng sabon ang female personality?” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pak na pak ang kuwentong ito na siguradong natumbok n’yo na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending