21 kababaihan magpapatalbugan sa Miss Caloocan 2019 | Bandera

21 kababaihan magpapatalbugan sa Miss Caloocan 2019

- February 28, 2019 - 12:35 AM


IN FAIRNESS, magaganda at matatalino ang halos lahat ng napiling official candidates para sa Miss Caloocan 2019.

Nagpakilala at rumampa sa harap ng entertainment media at bloggers ang 21 kandidata ng 2019 Miss Caloocan suot ang kanilang black and orange skimpy swimwear.

Wala ring takot na hinarap ng mga aspiring beauty queen ang tanong ng mga members ng media sa question and answer segment sa ginanap na press presentation.

Nasagot naman nila ng mahusay ang mga tanong partikular na ang tungkol sa mga national issue gaya ng pagbaba ng edad ng criminal liability ng mga bata. May mga sumang-ayon at meron ding hindi.

Ayon sa isang kandidata, kailangang bata pa lang ay mabigyan na agad ng leksyon ang mga menor de edad na nakakagawa ng krimen. Posible raw kasing lumala ang lumala ang problemang ito kung palagi na lang silang maaabswelto.

Sagot naman ng isang kandidata, naniniwala siya na wala pang muwang sa justice system ang isang menor de edad kaya hindi tamang ikulong agad ang mga ito kapag nakagawa ng krimen, ang dapat na ibigay sa kanila ay proper guidance at protection.

Tinanong naman namin sa ilang kandidata kung ano ang pipiliin nila, ang Miss Caloocan crown o boyfriend.

Lahat ng sumagot ay korona ang choice dahil minsan lang daw dumating ang pagkakataon na itatanghal silang beauty queen at may tamang panahon daw para sa lovelife.

Sa huling bahagi ng event ay bumoto ang mga members ng media kung sino ang napupusuan nilang candidate at ang nagwagi ngang Darling of the Press ay si candidate #5, Virginia Perez na talaga naman pang-beauty queen ang aura at projection.

Ito na ang ikalimang taon ng Miss Caloocan mula sa Caloocan Cultural and Tourism Foundation (CCTF) sa pakikipagtulungan ng Caloocan City Government at ni Mayor Oscar Malapitan. Hinahanap nila sa pageant na ito ang isang dalaga na magsisilbing role model sa mga kabataan at kababaihan at makapagbibigay ng magandang impluwensiya sa bawat mamamayan ng Caloocan.

“We want to take beauty pageantry to a new level wherein the winner will not only be the tourism ambassadors of the city, but they will also be our voice in promo-ting our advocacies and women empowerment,” ayon kay CCTF chairwoman Katherine Mendoza.

Aniya pa, “We have so many amazing talents in Caloocan and we think that Miss Caloocan is the perfect way for us to exhibit their artistry.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaganap ang Miss Caloocan 2019 grand coronation night sa March 2, 7 p.m. sa Caloocan Sports Complex. Entrance is open to the public. Magsisilbi namang host ng programa ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio at ilang celebrities din ang uupong mga hurado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending