Gretchen tinalakan: Hindi ka dapat natutuwa sa kabiguan ng kapwa mo! | Bandera

Gretchen tinalakan: Hindi ka dapat natutuwa sa kabiguan ng kapwa mo!

Cristy Fermin - February 25, 2019 - 12:25 AM


IBINASURA ng Makati Prosecutors Office ang kasong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino laban sa kanyang dating business partner na si Nicko Falcis.

Nang lumabas ang balita ay kasama ni Gretchen Barretto ang kanyang mga kaibigan, kaya ang kanilang pagkukuwentuhan ay nauwi sa selebrasyon, ayon mismo kay Gretchen.

Nakisawsaw na naman ito sa isyu, ikinaliligaya ng aktres ang pagkabasura sa kasong isinampa ni Kris laban kay Nicko, kaya puro pamba-basah ang kanyang inabot mula sa mga tagasuporta ni Kris Aquino.

May punto naman ang mga nagtatanggol kay Kris, hindi dapat ikinaliligaya ng kahit sino ang kabiguan ng kayang kapwa, tulad ng pagdiriwang na ginawa ni Gretchen.

“Hindi pa time to celebrate, Gretchen, this is just one of the many cases that was filed by Kris against your friend, Nicko Falcis! Magdiwang ka kapag ang lahat ng kaso, e, na-dismiss, du’n ka pa lang dapat mag-rejoice!

“And you don’t do that to anyone, hindi ka dapat natutuwa sa kabiguan ng kapwa mo, ayusin mo muna ang sarili mong buhay bago ka makialam sa buhay ng iba!” madiing komento ng isang netizen kontra kay Gretchen.

Pero siguradong care bears lang si Kris sa naging reaksiyon ni Gretchen, hindi niya papatulan ang aktres, dahil sayang na sayang lang ang kanyang panahon at laway.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending