Andrea handa na uling magmahal: Hinihintay ko na lang kung sino siya | Bandera

Andrea handa na uling magmahal: Hinihintay ko na lang kung sino siya

- February 25, 2019 - 12:01 AM


INAMIN  ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na ready na ulit siyang magkaroon ng lovelife ngayong Year Of The Pig. Handa na raw siyang mag-entertaine uli ng manliligaw.

Sa isang panayam, inamin ni Andrea na natakot siyang magkaroon uli ng boyfriend dahil baka maging problema lang ito sa kanyang career. Pero ngayon daw ay ready na siyang magkaroon uli ng dyowa.

“Ready naman na. Hinihintay ko lang kung kanino, kung sino yung ibibigay sa akin. Sabi kasi nila huwag mo raw hanapin, darating daw yung tamang guy for you. So, wait na lang natin, huwag nating madaliin,” ang pahayag ni Andrea.

“So ngayon hinihintay ko na lang kung sino ang darating, kung sino yung ibibigay sa akin, ready na akong magmahal uli,” sey pa ni Andrea.

Na-link noon si Andrea sa Pambansang Bae na si Alden Richards lalo na noong kasagsagan ng primetime series nilang Victor Magtanggol. May chika kasi na nagkadebelopan ang dalawa at nagkakamabutihan na.

Pero mukhang fake news nga ito dahil magkaibigan lang talaga ang dalawa at mas naging close lang sila habang ginagawa ang Victor Magtanggol.

Grabe rin ang naranasang pamba-bash noon ni Andrea mula sa AlDub fans habang umeere ang VM.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya pero sabi nga ng dalaga, trabaho lang walang personalan.

Pero in fairness, kinaya ng dalaga ang lahat ng pambabastos sa kanya ng fans nina Alden at Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending