Maine, Arjo pinatikim ng mag-asawang sampal ang AlDub fans; hashtag sunog | Bandera

Maine, Arjo pinatikim ng mag-asawang sampal ang AlDub fans; hashtag sunog

Cristy Fermin |February 23,2019
facebook
share this

Maine, Arjo pinatikim ng mag-asawang sampal ang AlDub fans; hashtag sunog

Cristy Fermin - February 23, 2019 - 12:05 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SUNOG ang AlDub Nation! Binelat sila ni Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isang retratong inilabas ng dalawa habang magkasama sa isang picture na nakaupo ang dalaga sa isang wrecking ball.

Ano kaya ang maikukuda ngayon ng mga galit na galit na miyembro ng AlDub Nation sa retratong lumabas? Edited na naman ba ‘yun ng mga naglalabas na tabloids?

Photoshopped lang na naman ba ‘yun ng mga walang magawa sa buhay? Isang mag-asawang sampal na dumapo sa pisngi ng mga nagwawarlang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang rebelasyon.

Kung bakit naman kasi ayaw pang tanggapin ng mga taong ‘yun na nagkakaintindihan na ngayon sina Arjo at Maine. Kesyo wala raw katotohanan ‘yun, ginagamit lang daw ni Arjo ang kanilang idolo, ano ngayon ang masasabi nila sa lumabas na retrato sa Instagram Story ng dalawa?

Wala na silang masasabi ngayon, mismong si Maine na ang naglabas ng picture, ngayon lang ginawa ni Menggay ang pagkumpirma sa pinagdududahang larawan ng kanyang mga tagasuporta.

Ano na ang makakasunod nito? Ang pag-amin na tungkol sa tunay nilang relasyon na siguradong magiging dahilan na naman ng pambubulabog ng ibang miyembro ng AlDub Nation kay Arjo Atayde.

Magising na kasi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending