10-wheeler truck nasunog sa Leyte

February 22,2019
share this

10-wheeler truck nasunog sa Leyte

February 22,2019
share this

NASUNOG ang isang 10-wheeler truck na puno ng construction materials habang patungong Tacloban City, Leyte, Huwebes ng gabi.

Wala namang nasaktan sa pangyayari matapos makalabas ng sasakyan ang driver ng trak na si Lord Warren Maglasang, 23, residente ng Davao City at kanyang apat na helper matapos mapansin ang usok na lumalabas sa engine ng trak sa Barangay Tadoc, Abuyog town, Leyte.

Sinabi ni Senior Inspector Ronald Espina, Abuyog police chief, na puno ang trak na may plate number na AFA-6993 ng mga construction materials mula Davao City at patungong Tacloban City.

Idinagdag ni Espina na bumaba si Maglasang sa trak nang mapansin ang usok na lumalabas mula sa engine.

Nang makitang nasusunog ang engine, tinawag na niya ang kanyang mga kasama na umalis na mula sa sasakyan.

Naapula ang apoy ganap na alas-8:55 ng gabi o makalipas ang 20 minuto.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog kung saan P2.5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending