Korina, Mar ibinandera ang kambal na anak | Bandera

Korina, Mar ibinandera ang kambal na anak

Ervin Santiago |February 21,2019
facebook
share this

Korina, Mar ibinandera ang kambal na anak

Ervin Santiago - February 21, 2019 - 07:01 PM

KAMBAL ang anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas.

Ibinandera ng broadcast journalist at host ng Rated K sa kanyang social media followers ang good news.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Korina ng litrato kung saan makikita ang dalawang pares ng paa ng mga sanggol.

Nilagyan ito ni Korina ng caption na, “I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl.

“We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing.”

Ilang araw bago ang announcement nina Korina at Mar, kumalat ang balita tungkol sa additional member daw ng kanilang pamilya. May mga litrato kasing ipinost ang TV host kung saan makikita itong pumipili ng mga kagamitan ng baby habang nagpaalam naman ang kanyang asawa na break muna sa pangangampanya.

Balitang nagtungo ang senatoriable sa Pennsylvania para samahan ang asawa.

Ikinasal sina Korina at Mar noong October, 2009.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending