Female celeb nakipaghiwalay sa dyowang aktor, nabuking ang ginagawang ‘milagro’

By Cristy Fermin February 22,2019
share this

Female celeb nakipaghiwalay sa dyowang aktor, nabuking ang ginagawang ‘milagro’

By Cristy Fermin February 22,2019
share this

SA simula pa lang ng kanilang relasyon ay kontra na ang pamilya ng babae sa lalaki. Marami kasing alam na kuwento ang pamilya ng isang aktres sa nakarelasyon niyang aktor.

Maraming-maraming istorya ‘yun na sa isa lang nauuwi, pagbibisyo, kaya nag-aalala ang pamilya ng babae na baka pati siya ay makumbinse ng aktor na gumamit din ng bisyong nakasanayan na nito.

Kuwento ng aming source, “Nirespeto lang talaga ng family ng girl ang decision niya. Impernes, ipinagtanggol niya kasi ang guy, matino na raw, wala nang dapat intindihin pa ang pamilya.

“So, nirespeto naman ‘yun ng parents niya, ng mga kapatid niya, binigyan nila ng freedom ang aktres na makipagrelasyon sa aktor,” simulang kuwento ng aming impormante.

Habang tumatagal ang kanilang relasyon, paminsan-minsan ay may tinatanggap na impormasyon ang pamilya ng babae tungkol sa mga pinaggagagawa ng male personality, hindi muna nila agad ‘yun sinasabi sa aktres.

“Pero one time, kinausap siya ng utol niyang lalaki, meron kasing nalaman ang kuya niya na may milagro pa rin palang ginagawa ang guy.

“Hindi puwedeng magkaila ang male personality dahil mismong mga kamag-anak ng friend niya ang nagsumbong na madalas magpunta ang male personality sa isang place kung saan napakaraming nagbibisyo.

“Nagdenay pa ang male personality sa girlfriend niya, paninirang-puri lang kuno ang nakarating sa mga kapatid niya, kaya go, go, go na naman ang relasyon nila! Pero hindi nga naitatago ang mga ganu’ng kuwento, sa mismong girl na nakaabot ang mga kuwento.

“‘Yun na! Talagang binigyan pa ng last chance ng girl ang guy para magbagong-buhay na, pero mukhang wala na talaga siyang planong humiwalay sa nakasanayan niya, kaya one day, nagbabu na ang female personality.

“Ang dami-dami nga naman niyang pangarap sa buhay, pero mukhang wala namang ambisyon ang boyfriend niya, ayaw niya sa lalaking ganu’n, kailangang sabay silang nangangarap!” madiing rebelasyon ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nga namang nagwi-win sa ganu’ng bisyo, palaging talo ang nakapailalim sa bisyo, kaya tama lang ang naging desisyon ng female personality.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending