ITINAAS ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang El Niño Advisory 1 category kahapon na nangangahulugan na malapit ng magdeklara ng full-blown El Niño phenomenon.
Sinabi ng Pagasa na mayroong mahinang El Niño sa tropical Pacific sa kasalukuyan. Noong Hunyo 2018 ay itinaas ng Pagasa ang El Niño Watch.
Maraming probinsya ang makararanas ng kulang na buhos ng ulan kaya magiging mababa ang lebel ng tubig sa mga dam. Bukod sa inuming tubig, ang mga dam ay ginagamit din sa paggawa ng kuryente.
Maaaring 14-18 bagyo lamang ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility mas mababa sa average na 20 bagyo kada taon. Sa mga ito anim hanggang siyam na bagyo ang maaaring mabuo sa loob ng PAR.
Ayon kay Climate Information monitoring section chief Ana Liza Solis posibleng umakyat sa 40.7 degrees Celsius ang temperatura sa Tuguegarao, Cagayan sa summer.
Sa Metro Manila maaaring umakyat ang temperatura sa 38.2 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.