Arjo tuloy ang pang-aasar sa AlDub Nation; magdedemanda laban sa mga basher kung... | Bandera

Arjo tuloy ang pang-aasar sa AlDub Nation; magdedemanda laban sa mga basher kung…

Cristy Fermin |February 20,2019
facebook
share this

Arjo tuloy ang pang-aasar sa AlDub Nation; magdedemanda laban sa mga basher kung…

Cristy Fermin - February 20, 2019 - 12:10 AM


NAKAHANAP ang mga miyembro ng AlDub Nation na nanggugulo sa kanilang idolong si Maine Mendoza ng katapat kay Arjo Atayde.

Ganu’n na lang kung ilampaso nila ang pagkatao ng aktor, kung anu-anong bintang ang ibinabato nila kay Arjo, umalma ang anak ni Sylvia Sanchez.

Ang sabi ng magaling na aktor, kapag hindi pa rin tumigil ang mga grupong nambu-bully sa kanya at kung anu-anong akusasyon ang ginagawa sa kanya ay mapipilitan na siyang magdemanda, papatulan niya ang mga fans na sobra-sobra na kung mag-akusa sa kanya.

Maraming nag-behave, pero marami pa ring nangungulit kay Maine, aminin na raw kasi ng dalaga kung ano ang totoong relasyon nila ni Arjo. Tama na raw ang pagdedenay, umamin na kung umamin, para tumigil na sila.

E, sutil din si Arjo, nilalaro rin ng binata ang laro na gusto ng mga miyembro ng AlDub. Naglalabas siya ng mga retrato ni Maine na halatado namang siya ang kumukuha, kaya hindi siya kasama sa frame, inis na inis ang mga tagasuporta nina Maine at Alden Richards.

Lahat na lang kasi ng mga nagiging close kina Alden at Maine ay sobrang inuupakan ng ibang miyembro ng grupo. Para bang hawak nila sa leeg ang kanilang mga idolo na walang karapatang makipaglapit kahit kanino.

Ibahin nila si Arjo Atayde na may balls para makipaglaban. Hindi siya papayag na upak-upakan si Maine.

Asar-talo ngayon ang mga miyembro ng AlDub (hindi naman lahat) na ang gusto ay layuan ng kanilang dalaga ang magaling na aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending