Misis nahuling nakikipagtalik sa lover, pinatay ng mister | Bandera

Misis nahuling nakikipagtalik sa lover, pinatay ng mister

John Roson - February 19, 2019 - 05:27 PM

84060232 – danger man with a knife behind the back

NASAWI ang isang ginang sa Binalbagan, Negros Occidental, nang pagsasaksakin ng mister matapos nitong mahuli na nakikipagtalik sa kinakasamang lalaki, nitong Martes.

Agad ikinasawi ng 55-anyos na biktima ang tatlong saksak sa tiyan, sabi ni Chief Insp. Albert Sy, hepe ng Binalbagan Police.

Isinailalaim sa kostudiya ang suspek na 57-anyos, pero nakatakda ring palayain dahil walang nagpahayag ng interes na magsampa ng kaso laban dito, maging ang kanilang mga kapamilya, ani Sy.

Ayon sa opisyal, nahuli ng suspek ang misis na nakikipagtalik sa 48-anyos na lalaki sa isang bahay di kalayuan sa kanilang tahanan, dakong alas-4 ng madaling-araw.

Nagtungo ang suspek sa naturang bahay kahit naka-catheter pa, dahil sa iniindang diabetes, sabi ni Sy nang kapanayamin ng Bandera sa telepono.

“Nung naabutan niya sa bahay ‘yung babae, nasuntok niya pa ‘yung alleged lover, tapos tumakbo ang lalaki. Nang maiwan silang mag-asawa, napagbuntunan na ‘yung babae kaya sinaksak,” anang police official.

Naniniwala ang pulisya na bago pa ang insidente’y natunugan na ng suspek ang ginagawa ng misis.

“Hindi na sila nagsasama sa bahay, medyo matagal na. Pero itong bahay na tinitirhan ng babae, two houses lang ang layo sa dating bahay nila,” ani Sy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending