GMA natuwa sa desisyon ng SC sa pagpapalawig ng ML
IKINATUWA ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang desisyon ng Korte Suprema na sumasang-ayon sa ikatlong extension ng martial law sa Mindanao.
“It’s good, we’re very happy because we voted to extend it,” ani Arroyo sa panayam.
Sa botong 9-4, ibinasura ng korte ang inihaing petisyon ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman na kumukuwestyon sa validity ng ikatlong extension na ibinigay ng Kongreso.
Sa joint session noong Disyembre, bumoto ang Kongreso na muling palawigin ang martial law.
Idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao matapos atakehin ng mga teroristang grupo ang Marawi City.
Hiniling ni Duterte na palawigin ito ng Kongreso hanggang sa katapusan ng 2017.
Noong Disyembre 2017 ay hiniling ni Duterte na palawigin ito hanggang Disyembre 2018. Muling hiniling ng Pangulo na palawigin ito hanggang sa katapusan ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.