Lokal na palay binabarat na | Bandera

Lokal na palay binabarat na

Leifbilly Begas - February 19, 2019 - 03:19 PM

LALO umanong babaratin ang palay ng mga lokal na magsasaka kapag pumasok na ang imported na bigas dahil sa Rice Tarrification law.
Ayon kay Butil Rep. Cecilia Chavez ngayon pa lamang ay bumaba na sa P14 ang kada kilo ng palay sa Nueva Ecija.
Ang puhunan ng isang magsasaka para sa isang kilo ng palay ay P12 kaya lugi na umano ang mga ito sa kasalukuyang bilihan.
Kung magpapatuloy umano ito ay hindi na magtatanim ng palay ang mga magsasaka na maglalagay sa peligro sa food security ng bansa dahil nakadepende na lamang ang mga Filipino sa inaangkat na bigas at sa presyo na itinatakda ng mga importer.
“Napakalungkot ang klima ngayon, napakalungkot ang ating mga magsasaka,” ani Chavez kaugnay ng pagpirma ni Pangulong Duterte sa Rice Tarrification law na ipatutupad na sa Marso 3.
“Hindi ko po maintindihan kung ano po ang kanilang matibay na katibayan na para isipin at sabihin na kung papabayaan atin ang ating magsasaka ay bababa ang presyo ng bigas,” ayon pa kay Chavez.
Inihalimbawa ni Chavez ang ginawang deregulation sa produktong petrolyo na hindi naman nagpababa ng presyo dahil nakadepende ito sa presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Sinabi naman ni dating Sen. Mar Roxas na matapos ang bigas ay itinutulak na isusunod ang liberalisasyon ng asukal.
“Iminungkahi ng mga economic managers na mag-import ng bigas, galunggong, ngayon naman asukal. Hindi solusyon ang direct open importation.  Kawawa na nga ang magsasaka natin.  Dadagdagan pa natin ng unfair competition. Sa pagkakaalam ko, half a million ang sugar cane farmers at halos 5 million ang kabahagi ng industriya ng asukal, kaya maraming maaapektuhan dito.  Para sa akin, tutol ako dito,” ani Roxas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending