NAGBUKAS ng mga bagong ruta sa Lapu-Lapu City, Cebu ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.
Bibiyahe sa mga bagong ruta ang mga modernong Public Utility Vehicles bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng DoTr.
Ang mga bagong ruta na binuksan ay Lapu-Lapu City Public Market-Babag-Cordova-Marigondon-Crossing Basak-Gun-ob-Lapu-Lapu City Public Market; at Lapu-Lapu City Public Market-Pusok-Mepz-Marigondon-Crossing Basak-Gun-ob-Lapu-Lapu City Public Market.
Aabot sa 100 sasakyan ang bibiyahe sa naturang ruta. Mahigit sa 40,000 pasahero ang inaasahang makikinabang dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.