Harlene ex-member din ng That’s Entertainment ang bagong bf?

By Reggee Bonoan February 19,2019
share this

Harlene ex-member din ng That’s Entertainment ang bagong bf?

By Reggee Bonoan February 19,2019
share this

ROMNICK SARMENTA AT HARLENE BAUTISTA

NAKAKUWENTUHAN namin ang “Rainbow’s Sunset” producer na si Harlene Bautista kasama ang ilang katoto pagkatapos ng 2018 MMFF Appreciation Dinner habang umiinom siya ng red wine.

Unang tanong sa kanya kung paano niya ipinagdiwang ang Valentine’s Day ngayong hiwalay na sila ng asawang si Romnick Sarmenta.

“Nagluto ‘yung panganay kong babae, si Zeke (Sarmenta) tapos kumain kami,” nakangiting sagot ng aktres-producer.

Sunod na tanong kay Harlene kung may bago nang nagmamahal sa kanya ngayon, “Marami, kumpleto ako! Ha-hahaha!” masaya niyang tugon.

Tinanong namin siya nang diretso kung may particular person na siyang puwedeng tukuyin, “Ha-hahaha! Asan na ba ‘yung bote (wine)?” tugon niya sabay tawa.

May babanggitin sana kaming pangalan sa kanya na posibleng ang taong nagpapasaya sa ngayon sa buhay niya, pero bigla siyang humirit ng, “Ano ba ‘yang sinasabi mo? Ha-hahaha! Asan na ba ‘yung bote (ng wine)?”

Pero sumeryoso uli si Harlene sabay sabing, “Oo naman! E, kasi, yun ang gusto ninyong marinig oo na (may special someone).”

Hirit namin kung kailan niya ito ipakikilala, “Soon, sa tamang panahon.”

First love nina Romnick at Harlene ang isa’t isa kaya binanggit namin na, hindi pala totoo ang kasabihang “first love never dies.”

“Well, it can die depende sa inyo kung hahayaan ninyong mamatay, eh, namatay,” natawang sambit ni Harlene.

Hindi naman itinanggi ng bunsong kapatid nina Mayor Herbert at konsehal Hero Bautista na inaayos na niya ang annulment nila ni Romnick at siya raw ang magpa-file.

“Inaayos na kasi ‘yun naman talaga ang tamang mangyari para nakaayos kasi kung hindi, wala kaming freedom. Malapit ko nang i-file. Nakakapagod din ha, nakaka-drain,” pag-amin nito.

Handa na ba siya kapag humarap sa korte kung saan kailanga niyang balikan ang lahat ng nangyari sa buhay nila ni Romnick.

“Well, ready or not kailangang mangyari. Mahirap talaga, pero mas mahirap kung wala kang gagawin, di ba?” saad pa ng aktres.

Inamin din niya na palaging sinasabi ng mga anak nila ni Romnick na, “‘I miss papa.’ Mga ganu’n, pero sabi ko nga natural naman ‘yung mga ganu’n pero okay naman kami.”

Open daw ang komunikasyon nila ni Romnick pagdating sa mga bata at sa katunayan kapag weekend at walang lakad ang aktor ay nagpapasabing hihiramin niya ang mga anak nila.

Nabanggit din ni Harlene na, “Napagod ako noon, napapagod pa rin ako ngayon.”

Diretsong tanong namin kung biglang na-fall out of love na siya kay Romnick, “Hindi naman bigla, taon na. Gagawin mo naman ang lahat especially kung kasal kayo, kung mag-asawa kayo. Hindi naman ito boyfriend-girlfriend lang na, ‘ayoko na,’ especially may mga anak kami?

“I-exhaust mo lahat, gagamitin mo puso mo, gagamitin mo utak mo, minsan gagamitin mo sabay until one day magkakaroon ka na lang ng strength na hindi mo inaasahan. Isang araw na okay na, okay na ‘to. Napagod ako sa relasyon,” seryosong sagot ni Harlene.

Totoo bang taga-That’s Entertainment din dati ang taong nagpapasaya kay Harlene ngayon? Hindi siya agad nakasagot at biglang tumungga ulit ng red wine.

“Lasingin n’yo na lang ako isang gabi, baka lumabas ‘yan! Ha-hahaha! Game!” natawang sagot na lang niya sa amin.

Kilala na namin kung sino ang sinasabing dating member ng That’s Entertainment na nagpapasaya raw kay Harlene.

Samantala, may balita na posibleng maging miyembro ng MMFF executive committee si Harlene this year pero wala pa itong kumpirmasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending