‘The Fiery Priest’ nina Kim Nam Gil at Kim Sung Kyun umariba na

February 19,2019
share this

‘The Fiery Priest’ nina Kim Nam Gil at Kim Sung Kyun umariba na

February 19,2019
share this


KOREAN word of the week: “Na jigeum gaya dwae” – sa English translation, ang ibig sabihin nito ay “I have to go now” o “Aalis na ako” sa Tagalog.

q q q

Nagsimula nang umere ang bagong comedy series na The Fiery Priest starring Kim Nam Gil, Kim Sung Kyun at Honey Lee.

Gaganap si Nam Gil bilang pari na si Kim Hae Il, na may Intermittent Explosive Disorder, Obsessive-Compulsive Disorder at Post-Traumatic Embitterment Disorder.

Naging isang miyembro rin ng counter-terrorism special forces ang karakter dito ni Nam Gil 10 taon na ang nakararaan.

Gaganap naman si Sung Kyun bilang Goo Dae Young, isang detective ng Gudam Police Station Violent Crimes Department habang isang prosecutor sa Seoul Central District Prosecutor’s Office ang karakter ni Honey Lee na si Park Kyung Sun.

Kwento ang The Fiery Priest ng isang pari na may anger issues at isang detective na magsasama para maresolba ang pagpatay sa isang matandang pari.

Kabilang sa mga nagawang Korean drama ni Nam Gil ang Shark (2013) at Live Up to Your Name (2017) at naging bahagi rin ng super successful historical drama na Queen Seondeok noong 2009.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending