Kaltas ng SSS tataas | Bandera

Kaltas ng SSS tataas

Leifbilly Begas - February 18, 2019 - 02:44 PM

MAGRERESULTA umano sa mas mataas na premium ng Social Security System ang bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte.

Ayon kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate sa halip na utusan ang SSS na kolektahin ang mga hindi nai-remit na premium na kinaltas sa mga empleyado, ay pinirmahan ang SSS Rationalization Act na magtataas sa ikinakaltas sa suweldo ng mga empleyado.

“Matagal na itong itinutulak ng mga tamad na SSS executives para lalong di na nila galingan ang pangongolekta at paghabol sa mga pasaway na employers na di nagreremit ng SSS premiums ng mga mangagawa. Kaya ngayon ay mga manggagawa at matitinong employers na naman ang kanilang pahihirapan sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS,” ani Colmenares.

Ayon sa ulat ng Commission on Audit na nakuha ni Colmenares umaabot na sa P13.7 bilyon ang hindi nakolektang premium at penalty ng SSS noong 2017 bukod pa sa P823 milyong pautang na hindi nila nasisingil.

Tataas umano ang premium ng SSS sa 12 porsyento hanggang sa umabot ito sa 15 porsyento sa 2025.

“What is worse is that they are using the P1,000 pension increase as the reason for the premium hike,” dagdag pa ni Colmenares. “Increasing the SSS and social pensions is needed as a matter of justice and good social policy, while increasing the SSS contribution is not.”

Ayon naman kay Zarate kung pinaghati-hatian ng mga opisyal ng SSS ang daang milyong bonus bukod pa sa malalaking suweldo, ang mga pensyonado ay nagtitiyaga sa P73 arawang pensyon na natatanggap nito.

“SSS top executives earn at least P100,000 a month while pensioners can hardly eat,” ani Zarate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending