Negosyante, driver, patay, 1 pa sugatan sa pamamaril sa Edsa | Bandera

Negosyante, driver, patay, 1 pa sugatan sa pamamaril sa Edsa

|February 17,2019
facebook
share this

Negosyante, driver, patay, 1 pa sugatan sa pamamaril sa Edsa

- February 17, 2019 - 05:52 PM

PATAY ang isang negosyante at kanyang driver, samantalang sugatan ang babaeng pasahero matapos ang nangyaring pamamaril sa southbound lane ng Edsa malapit sa Reliance st. sa Mandaluyong City, ngayong hapon.

Dumikit ang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa puting Toyota HiAce van na sinasakyan ng mga biktima at pinaputukan ang kanang bintana ng backseat, ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr., chief ng Mandaluyong City Police Station.

Nadurog ang salamin ng bintana sa backseat ng sasakyan. Kitang-kita naman ang dalawang butas na dulot ng bala ng baril sa passenger seat.

Dinala ang mga sugatan sa VRP Medical Center na nasa kanan lamang kung saan huminto ang sasakyan.

Sinabi ni Villaceran na nasawi ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, taga Alabang, Muntinlupa at kanyang driver na si Allan Romer Santos matapos ang pamamaril.

Nakaligtas naman ang 38-anyos na si babaeng sakay na si Esmeralda Ignacio.

Base sa tweet ng Metropolitan Manila Development Authority, tna nangyari ang pamamaril ganap na alas-3:23 ng hapon.
Inaalam pa ang motibo ng pagpatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending