Peñalosa nakubra ang WBO Oriental featherweight crown
DALAWANG beses pinatumba ni Dave “The Hunter” Peñalosa si Marcos Cardenas ng Mexico tungo sa pagtala ng technical knockout win sa ikaapat na round at pagkubra ang World Boxing Organization (WBO) Oriental featherweight title Sabado sa SM City North EDSA Skydome sa Quezon City.
Itinigil ng referee ang laban sa 2:47 marka para ibigay sa 27-anyos na si Peñalosa ang kanyang ika-15 pro career win at ika-11 knockout victory.
Nalasap naman ng beteranong Mexican boxer ang ikapitong pagkatalo sa 27 laban.
“Nagbunga rin lahat ng pagod ko,” sabi ni Peñalosa, na anak ng dating two-division world champion na si Dodie Boy Peñalosa.
Samantala, ginulpi ni John Riel Casimero ang Japanese boxer na si Kenya Yamashita sa umpisa pa lamang ng laban tungo sa pag-uwi ng panalo sa ikaanim nas round.
Sa iba pang laban, pinatumba ng tubong-Ifugao na si Carl Jammes Martin si Petchchorhae Kokietgym ng Thailand sa ikaapat na round habang itinala ni Carlo Peñalosa ang KO win sa ikatlong round kontra Watana Phenbaan ng Thailand.
Ang laban ay itinaguyod ni Gerry Peñalosa ng Gerrypens Promotions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.