Maey Bautista engaged na; non-showbiz boyfriend nag-propose sa mismong V-Day

February 16,2019
share this

Maey Bautista engaged na; non-showbiz boyfriend nag-propose sa mismong V-Day

February 16,2019
share this


ENGAGED na ang Kapuso TV host-comedienne na si Maey Bautista.

Mismong Valentine’s Day nang mag-propose kay Maey ang kanyang long-time boyfriend na si Martin Inumerable, isang sales manager.

Sa isang video na ipinost ng kanilang kaibigan na si Bong Lozano sa Facebook, makikitang naging emosyonal si Martin nang lumuhod sa harap ni Maey.

Walang masyadong pasabog o paandar ang proposal ni Martin, pero ayon sa mga netizens, ramdam na ramdam nila ang sinseridad ng boyfriend ni Maey.

Sa video, makikitang hindi agad nakasagot si Maey nang mag-propose si Martin. Napayakap na lang ang dalaga sa kanyang fiancé.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending