Daniel, Kathryn may matinding problemang pinagdaraanan, totoo bang naghiwalay na?

By Cristy Fermin February 16,2019
share this

Daniel, Kathryn may matinding problemang pinagdaraanan, totoo bang naghiwalay na?

By Cristy Fermin February 16,2019
share this


NU’NG mag-file ng COC si Rommel Padilla ay sumama sa kanya ang heartthrob nitong anak na si Daniel.

Natural, kinilig ang mga miron, napakaguwapo raw pala talaga ni DJ, ang suwerte-suwerte raw naman ni Kathryn Bernardo.

Kumakandidatong kongresista sa Unang Distrito ng Nueva Ecija ang dating Board Member na si Rommel. Malaking panghatak ng boto para sa kanya ang sikat na ay guwapo pang young actor.

Pero ang tanong, bakit kaya nagdesisyon si Daniel na magtagal muna sa bayan ng Cuyapo, ang kandidatura nga kaya ng kanyang ama ang dahilan nu’n?

Hindi kaya ang tunay na dahilan ay nagpapalamig lang muna si DJ dahil may malaking problema sila ngayon ni Kathryn? Ngayon lang kasi nagkahiwalay nang pisikal ang magka-loveteam at magkarelasyon sa likod ng mga camera.

Dati kasi, kung saan nandu’n si Daniel ay kasama rin niya si Kath, hindi sila puwedeng paghiwalayin dahil kaligayahan na para sa kanila ang palaging magkatabi lang.

Wala pang nagsasalita sinuman sa kanila ngayon, tanging ang pagkapindot lang ni Kath ng buton sa kanyang Instagram ang lumabas na dahilan ng pag-unfollow sa kanya ng binata, bukod du’n ay wala pang kumpirmadong balita tungkol sa sinasabing paghihiwalay nila.

Na sana’y hindi totoo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending