GGV kailangan nang mag-reformat dahil sa tagumpay ng TBATS

By Cristy Fermin February 15,2019
share this

GGV kailangan nang mag-reformat dahil sa tagumpay ng TBATS

By Cristy Fermin February 15,2019
share this

VICE GANDA, BOOBAY AT TEKLA

Pinagkukuwentuhan sa isang malaking grupo nu’ng isang araw ang balitang kinakabog na ng tambalan nina Boobay at Tekla ang pinakasikat na komedyante-TV host na si Vice Ganda.

Humahataw raw sa ratings ang show nina Boobay at Tekla, habang sumisisid naman nang pailalim ang Gandang Gabi Vice, kaya kailangan nang mag-reformat ang programa ng main host din ng It’s Showtime.

Maraming dahilang nasisilip ang grupo, una na du’n ang mga nagiging panauhin ni Vice sa kanyang panggabing show na puro mga artista ng ABS-CBN, puro promo lang daw naman ang iniikutan ng kanyang interbyu.

Paganu’n-ganu’n lang palagi, samantalang sina Boobay at Tekla ay nag-eeport na gumawa pa ng mga comedy skit, aliw na aliw ang manonood sa kanilang pagdadrama-pagpapatawa.

Siyempre’y ayaw maniwala ng mga tagasuporta ni Vice Ganda sa palutang ng Siyete, wala raw katotohanan ‘yun, ang show pa rin daw ng Unkabogable Star ang panalung-panalo sa tapatan nila nina Boobay at Tekla.

Kundi man totoo ang mga balita ay magandang senyal na rin para kay Vice Ganda ang ganito para mas pagandahin pa niya ang kanyang show.

Huwag nakakahon lang. Mag-isip sila ng mga bagong segments. Panatilihin nilang interesante ang programa para hindi paluhurin sa rating ng kalaban nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending