Osang nagpaalam kay Tita Midz: Walang Ligaya at Selya kung wala po si Armida... | Bandera

Osang nagpaalam kay Tita Midz: Walang Ligaya at Selya kung wala po si Armida…

- February 13, 2019 - 12:25 AM


BUMAHA ng mensahe ng pakikiramay sa social media para sa veteran singer-actress-producer na si Armida Siguion-Reyna.

Pumanaw ang award-winning actress nitong nagdaang Lunes dahil sa colon cancer sa edad na 88.
Nakilala si Armida o Tita Midz sa mga kaibigan niya sa showbiz, sa programang Aawitan Kita, ang longest-running musical show sa telebisyon kung saan naipo-promote ang Original Pilipino Music pati na rin ang kundiman.

Bukod sa pagiging aktres at singer, nag-produce rin siya noon ng mga pelikula sa ilalim ng Reyna Films kabilang na ang mga award winning movies na “Hihintayin Kita Sa Langit,” “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” at “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya.”

Naging chairperson din siya ng Movie and Television Review and Classification Board (June 1988 to January 2001) sa ilalim ng administration ni former President Joseph Estrada.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ng aktres ay ang “Atsay” (1978), “Paano Ba Ang Mangarap” (1983), “Magdusa Ka” (1986), “Ibulong Mo Sa Diyos” (1988), “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin” (1995) at “Filipinas” (2003).

Isa mga unang nagbigay ng mensahe sa pagpanaw ni Tita Midz ay si Rosanna Roces na bumida sa mga pelikulang “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” (1997) at “Ang Mga Lalaki sa Buhay ni Selya” (1998) na ipinrodyus ng Reyna Films. Sa mga pelikulang nabanggit nakilala ang pagiging aktres ni Osang.

Narito ang mensahe ng dating sexy actress, “Tita Midz…ikaw ang unang nagtiwala sa akin na gumawa ng makabuluhang pelikula…hindi lang isa kundi dalawa.

“Ipinakilala mo ako sa mga manunuod ng Art film at binigyan mo ako ng pagkakataon maipinta ng mga tinitingalang Pintor at National artists.

“Baon ko lahat ng natutunan ko mula sa yo mula noon hanggang ngayon. Walang hanggang pasasalamat tita midz. Walang Ligaya at Selya kung wala si… Armida.”

Nagbigay din ng pa-tribute ang leading man ni Osang sa “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” na si John Arcilla, “We fondly call her tita Midz. She was the Showbiz Luminary who introduced me to one of the biggest films in 1997 Ligaya ang itawag mo sa akin with Rosanna Roces and then she brought me to her Cultural Heritage of Filipino Kundimans via Aawitan kita afterwards.

“I consider myself one of the luckiest when she brought me to the mainstream audience from my theater life. Her Reyna Films is one of the Iconic productions that highlights the shining career of big stars stars Snooky Serna, Maricel Soriano, Richard Gomez and Dawn Zulueta during those times.

“I can not ask for more. Those were one the greatest years of my life. You were one of the distinguished influencers in your time, a Tigress as they say but you tita Mids left a soft spot in my heart and memories.

“So sleep my dear mentor sleep and rest… goodnight my Dearest tita Mids goodnight. May God hold you tight.”

Sabi naman ni Dawn Zulueta, “Your life was a blessing, your memory a treasure, you are loved beyond words, and missed beyond measure. Rest In Peace, dearest tita Midz; my Friend, my Mentor.”

Mensahe naman ni Lea Salonga, “Rest In Peace, Tita Midz, and thank you so much.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang labi ni Tita Midz ay nakaburol ngayon sa Heritage Memorial Park.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending