Ai Ai walang kadala-dala, inokray na naman dahil sa ‘JLo copycat’

February 13,2019
share this

Ai Ai walang kadala-dala, inokray na naman dahil sa ‘JLo copycat’

February 13,2019
share this


SA kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya sa social media, tuloy ang pagpo-post ni Ai Ai delas Alas ng mga sexy photos bilang pagpupugay na rin sa kanyang idol na si Jennifer Lopez.

Hindi magpapaawat ang Comedy Queen sa mga gusto niyang ibandera sa kanyang Instagram account ang ginagawa niyang panggagaya sa Hollywood singer-actress.

Siguradong maookray na naman si Ai Ai sa bagong paandar niya sa IG kung saan isa pang sexy pose ni JLo ang ginaya niya at wala ring takot na ginaya ang suot nitong violet snakeskin bikini.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Eto na to …. uminom ako ng kape para nerbyosin ako ng konte hehe … this is it idol!!!”

Maraming pumuri sa kaseksihan ni Ai Ai pero basag na basag naman siya sa isang netizen na walang patumanggang nanglait sa kanyang IG photo.

Isang follower naman ng komedyana ang nagtanggol sa kanya, “Ang kapal naman ng mukha mo mag comment ng ganito. Palibhasa inggit ka lang kc ikaw wala kng ganyan katawan tulad ni @msaiaidelasalas at isa pa kung wala kang magandang sasabihin pwede wag ka ng mag cocomment!!!”

Sagot naman ni Ai Ai sa kanya, “Hayaan mo na delete and block smile ka na lang hehe (heart and thumbs up emojis).”

Kung matatandaan, isa pang dating photo ni JLo ang ginaya ni Ai Ai, ito ‘yung halos kita na ang kanyang private parts dahil isang telang green lang ang tumatakip sa mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending