Horoscope July 15, 2013 | Bandera

Horoscope July 15, 2013

Madam Sophia |July 15,2013
facebook
share this

Horoscope July 15, 2013

Madam Sophia - July 15, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagmamahal aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Red at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—    ‘Wag susuko sa mga suliranin. Sa pinansyal, isang Leo ang tutulong sa iyo upang malusutan ang mga problema. Sa pag-ibig, may masarap na romansa dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.”  Purple at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—    Dahan-dahan lang sa pag-gastos, alalahanin mong mabilis maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa. Mapalad ang 6, 8, 21, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—   Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Aquarius na makikilala mo sa malayong lugar. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi sasarap ang romansahan. Mapalad ang 1, 13, 25, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  ‘Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa romansa, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Habang stationary at nasa retrograde phase ang ruling planet mong Mercury, wag lalabas ng bahay sa halip, mag linis na lang muna ng iyong silid.  Sa pag-ibig yayain ang kasuyo na mag-meditate habang hindi pa umaaliwas ang langit. Mapalad ang 7, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Magandang balita ang matatanggap! May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos o kaya’y sa Boracay. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong kailangan. Sa pag-ibig okey din ang  ka-partner na isang Libra kung masarap na romansa ang inaabatan. Mapalad ang 7, 20, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansiyal, sa pamamagitan ng pamomolitika, may malaking salaping kikitain. Sa pag-ibig, ngayong paparating na ang Barangay Election, puwedeng-puwede kang kumandidatong Kapitan o kaya’y Kagawad.  Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.”  Red at pink  ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sayo yan ng kusa! Wag kanga tat! Hayaan mong mangyari ang mga dapat maganap. Sa pag-ibig magugulat ka pa kapag kusa ng uminit ang relasyon. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa negosyo, wag na uling lokohin ang mga kliyente baka makahalata na sila. Mapalad ang 5, 13, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas! Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran, ngayon na ang sandali upang magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, dalawin ang mga kapamilyang matampuhin – pasalubungan sila ng ice cream.  Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending