Comedian-tv host sakit sa ulo ng production kaya binigyan ng ultimatum ng network | Bandera

Comedian-tv host sakit sa ulo ng production kaya binigyan ng ultimatum ng network

Cristy Fermin - February 10, 2019 - 12:15 AM


MAY saltik din paminsan-minsan ang isang pamosong komedyante-TV host. Mahirap ding ispilengin ang kanyang ugali lalo na kapag umaandar ang kanyang sumpong.

Maraming production staff na niya ang nagpalipat ng programa dahil hindi nila kinakaya ang kakaibang sumpong ng kilalang komedyante-TV host.

“Dati, kung anong oras niya gustong mag-report sa work, ganu’n ang ginagawa niya. Magba-bar hopping siya nu’ng nakaraang gabi, halos sumisikat na ang araw kung umuwi siya, e, may trabaho siya that day!

“So, ilang oras na lang ang itutulog niya, di ba? Pahirapan siyang gisingin, talagang nagmamakaawa pa kasi ng tulog at pahinga ang katawan niya, kaya palagi rin siyang late sa show niya!

“Ang nasisisi, e, ang EP niya sa show, ano naman ang magagawa nu’ng tao, e, hanggang sa show lang naman dapat ang concern niya, di ba? Labas na sa work niya ang bantayan ang host niya kung saan lalamyerda sa gabi!

“Trabaho pa ba naman niya ‘yun? Ano siya, yaya ng TV host?” simulang kuwento ng aming impormante.
May mga tantrums din ang sikat na TV host na mahirap talagang intindihin. Darating siyang mainit ang ulo, kapos nga kasi siya sa tulog at pahinga, natural lang na dala-dala niya ‘yun hanggang sa linya ng trabaho niya.

Patuloy ng aming source, “Kakatok ang staff ng show, ibibigay sa kanya ang script ng mga gagawin niya, deadma lang siya, kasi nga, inaantok pa siya!

“Kapag nakasalang na siya at palpak ang mga sinasabi niya, on the air mismo, pinagagalitan niya ang mga writers ng show. Mali raw ang ibinigay na info sa kanya! Mali? Ibinibigay sa kanya ang tama, pero wala siyang pakialam, kasi nga, wala pa siya sa tamang huwisyo dahil sa sobrang puyat niya!

“May mga hindi na nakatagal sa kanya, kaya nagpapalipat na lang ng show, hindi na nila kayang sabayan ang kaartehan ng host nila,” sabi uli ng aming impormante.

Binigyan ng ultimatum ng network ang sumpunging TV host, kapag hindi pa rin niya binago ang kalakaran ng buhay niya, pasensiyahan na lang.

“Saka lang niya binago ang nakasanayan na niyang paglalamyerda. Nagba-bar pa rin siya, pero hindi na siya nagpapaumaga, kasi nga, maaga ang calltime niya.

“Magaling siya kung sa magaling, pero kailangang may rumerenda sa attitude niya. Siya rin naman kasi, hindi niya inaasahan ang nangyari sa career niya na ang ganda-ganda!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kailangan pa ba n’yo ng magandang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi pa ba maganda ang kuwentong sinundan n’yo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending