Pamilya ni Jinggoy mataas ang respeto sa mga kasambahay | Bandera

Pamilya ni Jinggoy mataas ang respeto sa mga kasambahay

Cristy Fermin |February 09,2019
facebook
share this

Pamilya ni Jinggoy mataas ang respeto sa mga kasambahay

Cristy Fermin - February 09, 2019 - 12:40 AM


NAPAKALAKI ng utang na loob na tinatanaw ng mga kababayan nating naglilingkod bilang kasambahay kay dating Senador Jinggoy Estrada. Siya ang may-akda at nagtaguyod ng Batas Kasambahay na sinasandalan ngayon ng mga inaabusong kasambahay.

Ang pinag-ugatan ng Batas Kasambahay ni dating Senador Jinggoy ay ang napakaparehas na pagtrato ng kanilang pamilya sa mga kasambahay. Personal naming nakikita ‘yun, ang mga yaya nilang magkakapatid, hanggang ngayon ay naglilingkod pa rin sa pamilya Estrada.

May mga kasambahay silang bumibilang na ng dekada sa paglilingkod sa kanila, mga anak na nina Senador Jinggoy, Jackie at Colonel Jude ang inaalagaan ng mga ito ngayon, ganu’n kaganda kung ituring ng pamilya ang kanilang mga kasambahay.

Ang Batas Kasambahay ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga inaabusong kasambahay, ang isinulong na Republic Act 10361 ni Senador Jinggoy rin ang nagmulat sa mga mata ng mga kasambahay tungkol sa kanilang mga karapatan, ang suweldong kakarampot sa sobrang daming trabaho nila ay tumaas dahil kay Senador Jinggoy.

Hindi lang dito nagmamalasakit ang aktor-pulitiko, maging sa ibang bansa kung saan namamasukang kasambahay ang ating mga kababayan ay sinasadya rin ng anak ng masang pulitiko, nabibiyayaan din ang mga ito ng ipinasang batas ni Senador Jinggoy.

Ngayon, sa kanyang nakatakdang laban para muling bumalik bilang senador ay meron nang malaking bulto ng botong masasandalan si Senador Jinggoy, hindi siya pababayaan ng mga kababayan nating kasambahay at ng mga Pinoy na naniniwalang malaking karagdagan siya sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending