Anne nakiisa sa paglaban kontra tigdas outbreak: Magpabakuna
HINIKAYAT ng Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis ang mga magulang sa buong Pilipinas na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra tigdas.
Ito’y matapos ngang ibandera ng Department of Health na may measles outbreak na sa National Capital Region at sa ilang bahagi ng Central Luzon. Nanawagan si Anne sa mga magulang sa gitna na rin ng balitang maraming natatakot na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay Anne, “This is why it is important to have proper immunization and dealing with the parents and healthcare workers and centers.
“It should be a priority because I understand that a lot of children are getting affected by the measles outbreak,” pahayag ni Anne na aktibo pa ring celebrity ambassador ng UNICEF simula pa noong 2009.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.