Hugot ni Vice: Sa dami ng tinulungan ko, mas mayaman pa sa ‘kin mga dyowa ko! | Bandera

Hugot ni Vice: Sa dami ng tinulungan ko, mas mayaman pa sa ‘kin mga dyowa ko!

Bandera |February 08,2019
facebook
share this

Hugot ni Vice: Sa dami ng tinulungan ko, mas mayaman pa sa ‘kin mga dyowa ko!

Bandera - February 08, 2019 - 07:06 PM

VICE GANDA

“SA dami ng tinulungan ko, yung mga dyowa ko, mas mayaman pa sa akin ngayon!”
‘Yan ang nakakalokang hugot ni Vice Ganda sa nakaraang episode ng It’s Showtime nang mapag-usapan ang tungkol sa pagtulong sa kapwa.

Habang ini-interview ang isang contestant sa Tawag Ng Tanghalan, bumalik sa alaala ni Vice ang tungkol sa napakamahal na regalong ibinigay niya sa dating boyfriend. Napag-usapan kasi ang “rags to riches” story ng nasabing TNT contestant.

Dito naikuwento ni Vice Ganda mung paano sila nabuhay noon sa pamamagitan ng pagtitinda ng basahan.

“Malaking bahagi ng buhay ko ang rags. Yung nanay ko, mananahi ng mga retaso. Nagbebenta kami ng bilog na basahan sa mga jeepney driver.

“Doon kami binuhay ng nanay ko. Ako nagsasalansan ng mga bilog tapos siya naman ang nananahi. Alam mo ba ang paghihirap na pinagdaanan ko?” lahad ng Phenomenal Box-Office Star.

Nabanggit ng TNT contestant na si VR Caballero na naniniwala siya sa swerte at dasal. At natuto rin siyang tumulong sa ibang tao nang suwertihin siya.

Hirit sa kanya ni Vice, “Tumutulong rin naman tayo. Sa dami ng tinulungan ko, yung mga jowa ko, mas mayaman pa sa akin ngayon!”

Pinakalman naman siya ng kanyang co-host na si Vhong Navarro nang nagsimula nang uminit ang kanyang ulo, “Kalma na! Kalimutan mo na yun.”

Hirit uli ni Vice, “Ang dami kong natulungan pero anong nangyari?”
Singit naman ng TNT contestant, “At least, hindi ka nila makakalimutan.”

“Nakalimutan nga ako dahil lumipat dun sa mas malaking ang tulong!” ang sagot sa kanya ng TV host-comedian.

Humirit naman si Vhong ng, “Nabalik ba ang susi?”

“Hindi na binalik kasi binenta ng hayop!” diretsong tugon ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ipinagdiinan ni Vice na hindi lang motorsiklo ang iniregalo niya sa dati niyang boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending