Gwapong actor-dancer sobrang angas pero dinudugo si direk pag umarte na | Bandera

Gwapong actor-dancer sobrang angas pero dinudugo si direk pag umarte na

Cristy Fermin - February 08, 2019 - 12:25 AM

IBANG-IBA talaga ang kilatis ng kuwentuhan kapag ang magkakasama sa malaking umpukan ay mismong mga taong kasama sa pagbubuo ng isang palabas sa telebisyon.

Alam nila ang hina at lakas ng mga artista, alam nila pati ang kaartehan ng mga personalidad na kung tawagin nila’y masyadong feeling, walang naitatago sa kanila.

Lumulutang ang mga papuri at pagsaludo, pero meron ding mga istoryang hindi nila malilimutan mula sa mga personalidad na wala pa ngang napatutunayan ay umaastang sikat na, at natural lang na lumalabas din ang mga kuwento tungkol sa mga artistang nagpapahirap sa kanila dahil sa kahinaang umarte.

Sabi ng isang miron, “Maraming artistang feeling talaga. Kung minsan nga, kung sino pa ang banong umarte, kung sino pa ang wala pa namang napapatunayan, e, ‘yun pa ang mga nagmamaangas.

“May isang young actor na ganu’n. Guwapo siya, siyempre, dahil kapag nawala pa ang kaguwapuhan niya, e, ano pa ang maipagmamalaki niyang katangian?

“May kaangasan ang bagets na ‘yun, matindi ang paniwala niya sa sarili niya. Porke may mga kababaihang kinikilig sa kanya, ang akala yata niya, e, enough na ‘yun

“Guwapo nga siya, pero kumustahin n’yo naman ang acting niya? Susmarya! Kapag siya na ang kinukunan, aasahan mo nang pinaghahandaan siya ng staff and crew!

“Alam nilang magtatagal ang mga eksena, kaya iinom na ang mga nauuhaw, kakain na ng biscuit ang madaling magutom, dahil siguradong makakailang takes ang young actor.

“Tama nga, hindi niya makuha-kuha ang tamang emotion. Mahina na nga siya sa dialogues, parang wala pa siyang alam tungkol sa facial expression! Banong umarte ang bagets na ‘yun!” kuwento ng aming source.

Pero sa kabila ng kahinaan niyang umarte ay may kaanagasan pa siya, feeling talaga ng young actor ay pang-award na ang acting niya, du’n naiinis ang mga katrabaho niya.

“Puwede ba, bago siya bumilib nang sobra-sobra sa kaguwapuhan niya, e, mag-aral muna siyang umarte? Mag-workshop muna siya! Hindi na siya nahiya, uwing-uwi na ang mga kaeksena niya, pero hindi makaalis sa set, dahil naghihintay pang magawa niya ang isang eksena!

“Hindi sapat na guwapo siya, hindi rin sapat na marunong siyang sumayaw, mag-aral siyang umarte para meron naman siyang maipagyayabang!” pagtatapos ng chikadora naming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano nga ang sabi ng mga Vietnamese kapag nagmamaneho sila?

Telep, turn left daw. Telayt, turn right daw. Blake, sabi nila, brake pala ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending