DUMULOG sa Ombudsman ang ina ng 17-anyos na lalaki na napatay umano ng mga pulis at pinalabas na nanlaban.
Inireklamo ni Christine Pascual ng murder, planting of evidence at obstruction of justice sina Rosales Municipal Police officer-in charge Chief Insp. John Corpuz, PO2 Arvin Abella, PO2 Roy Sarmiento, PO2 Ronald Casareno, SPO3 Oliver Vingua, at SPO1 Hilario Taquiqui Jr.
Ayon sa complaint affidavit, pumunta ang anak ni Pascual na si Joshua at dalawa niyang kaibigan sa Baguio City noong Agosto 15. Ang tatlo ay mga DOTA player.
Naligaw ang tatlo at nang dumilim ay nagpasya na umuwi na. Hinala ni Pascual sina Joshua at Julius Sebastian ay naglalakad umano malapit sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway sa Pangasinan nang damputin ng mga pulis.
Hanggang ngayon ay hinahanap pa si Sebastian.
Ayon sa mga pulis, nagsasagawa sila ng checkpoint nang dumaan umano si Joshua na sakay ng motorsiklo.
Nagpaputok umano ito ng baril kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng bata.
Sinabi ni Pascual na hindi adik at walang baril si Joshua. Hindi rin umano ito marunong magmotorsiklo. Hindi rin umano totoo na sangkot sa holdapan ang kanyang anak.
“All killings in police operations must be investigated and prosecuted. Each incident comes with the stark admission that police committed the crime, of at least, homicide. ‘Nanlaban’ is a legal defense which they have to establish in court,” ani Atty. Maria Kristina Conti, abogado ni Pascual.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.