Rayver, Rodjun idinaan sa sayaw ang pag-alala sa namayapang ina | Bandera

Rayver, Rodjun idinaan sa sayaw ang pag-alala sa namayapang ina

Ervin Santiago |February 07,2019
facebook
share this

Rayver, Rodjun idinaan sa sayaw ang pag-alala sa namayapang ina

Ervin Santiago - February 07, 2019 - 03:33 PM

NAGING happy and inspiring ang pagbibigay-pugay ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa namapaya nilang inang si Mommy Beth Cruz dahil sa pancreatic cancer.

Nagsayaw kasi ang dalawang Kapuso stars sa lamay ng kanilang nanay kagabi. Kahit nagdadalamhati, talagang hataw kung hataw ang magkapatid na ikinatuwa rin ng mga taong nasa lamay.

Ilang photos and videos ang naka-post sa Instagram at Twitter na kuha ng mga kamag-anak at ilang kaibigan nina Rayver at Rodjun na nakiramay sa magkapatid, kabilang na nga riyan ang nasa Instagram Story ni Ina Feleo at Edgar Allan Guzman.

Napakaraming nag-post ng kanilang magagandang mensahe sa magkapatid, bilib na bilib daw sila sa katapangan at katapangan ng dalawa dahil sa kabila nga ng pagluluksa ay nananatiling positibo ang pananaw nila sa buhay.

Marami naman ang naluha at na-touch  madamdaming mensahe ni Rodjun para sa yumaong ina, lalo na nang sabihin nito na hindi na masasaksihan ni Mommy Beth ang kasal nila this year ng kanyang fiancée na si Dianne Medina.

“Sabi ko kasi kay Mama, ‘Pag nag-speech ka sa wedding ko, huwag masyado nakakaiyak. Ayoko humagulgol. Gusto ko gwapo ako sa wedding ko

“Yun pala, ako pala mag-speech ngayon para kay Mama.

“Parang panaginip lang talaga. Siyempre, masaya naman kami na masaya si Mama sa heaven,” aniya pa.

Sa isang post naman niya sa Instagram makikita ang mga litrato nila ng ina na may caption na: “I love you so much Mama ko heaven (heart, prayer emojis)!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending