Isang ogag na abogado; atbp. | Bandera

Isang ogag na abogado; atbp.

- January 19, 2010 - 04:10 PM

“Target ni Tulfo” by Mon Tulfo

SINABI ni Senator and presidential candidate Noynoy Aquino na hindi siya magnanakaw sa kaban ng gobyerno.
Nakakagalak sa taumbayan ang sinabing yan ni Noynoy, anak ni yumaong former President Cory at ni Sen. Ninoy Aquino, na martir.
Malaking bagay ang pangakong yan dahil laganap ang nakawan sa administrasyon ni Pangulong Gloria at maging yung kanyang pinalitan na si Pangulong Erap.
There’s a big chance na matutupad ang pangakong yan ni Noynoy dahil hindi nagnakaw ang kanyang ina.
Hindi nagbubunga ang santol ng mangga, sabi ng isang kasabihan.
In short, malamang na mamanahin ni Noynoy ang honesty ng kanyang nanay.
Pero baka naman walang gagawin si Noynoy kapag siya’y manalo.
Ang puna kasi kay Pangulong Cory ay siya’y wala ngang ginawang kalokohan, pero wala din naman ginawa na nakabuti sa bansa.
Ang biruan nga noon tungkol kay Pangulong Cory ay siya’y TWA. Talagang Walang Alam.
Baka naman ganoon ang magiging biruan tungkol kay Noynoy kapag siya’y naging Pangulo: Wala siyang kaalam-alam sa pagpapatakbo ng bansa.
* * *
Wala raw utang na loob si Pangulong Gloria sa mga Ampatuan na tumulong na siya’y manalo, sabi ng abogado ng mga Ampatuan na si Philip Pantojan.
Pinabayaan daw ni GMA ang mga Ampatuan na ngayon ay nasasakdal sa salang multiple murder at rebellion, sabi ni Pantojan.
Ogag itong si Pantojan!
Ang gusto niya sigurong mangyari ay pagtakpan ni Pangulong Gloria ang mga Ampatuan dahil ipinanalo nila siya sa Maguindanao.
Alam naman natin na dinaya ang actor na si Fernando Poe Jr., na kalaban ni GMA noong 2004 presidential election.
Kapag ginawa naman ni GMA na pagtakpan ang mga Ampatuan baka magkaroon ng rebolusyon.
Sukdulan na katiwalian ang gagawin ni Aling Gloria kapag pinagtakpan niya ang mga Ampatuan.
* * *
Napakawalanghiya raw nitong si Dra Dakanay ng Lupon District Hospital sa Davao Oriental.
May dinala raw na mga accident victims sa ospital.
Sa halip na gamutin ng doktora, pinagalitan pa raw ang mga biktima na pasahero ng isang van na nahulog sa bangin.
Bakit daw sila naaksidente?
Aba, t… pala itong si Dra Dakanay!
Ang isang aksidente ay hindi sinasadya. Kaya nga tinawag na aksidente. Sino naman ang may gusto na maaksidente?
Hoy, Doktora, ikaw ay manggagamot at hindi traffic investigator!
* * *
And now, joke time.
Ipadadala raw ni Pangulong Gloria ang isang Philippine Contingent sa Haiti na sinalanta ng malakas na lindol.
Ang mga miyembro ng contingent ay sina Andal Ampatuan Jr. at Sr. at kanilang mga kasamahan sa Maguindanao massacre.
Magdadala raw ng backhoe ang contingent.
Ang backhoe raw ay gagamitin ng contingent sa mass burial ng mga napatay sa lindol.
Magagamit na raw ng mga Ampatuan ang kanilang expertise sa paglibing ng maraming tao.

BANDERA, 011910

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending