KMJS No. 1 pa rin; Pepito Manaloto, Onanay, Daddy's Gurl ayaw magpatalo | Bandera

KMJS No. 1 pa rin; Pepito Manaloto, Onanay, Daddy’s Gurl ayaw magpatalo

- February 07, 2019 - 12:35 AM


PATULOY pa rin ang pagiging number one sa TV ratings ng GMA Network sa pagsisimula ng 2019.

Sa latest data ng ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement, nakakuha ang GMA ng 37.8 percent average total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) sa kabuuan ng January (Jan. 27 to 31 based on overnight data).

Wala ring mintis ang panalo ng Kapuso Network sa mga balwarte nitong Urban Luzon at Mega Manila, na bumubuo sa 72 at 60 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Sa Urban Luzon, nagtala ng 41.9 percent total day people audience share ang GMA.

Mas malaki naman ang lamang ng GMA sa Mega Manila (Jan. 1 to 26 official data) na may 43.7 percent.

Lalo pang napaganda ang pasok ng bagong taon para sa GMA dahil nakuha rin ng award-winning magazine program nitong Kapuso Mo, Jessica Soho hosted by Jessica Soho ang number one spot sa top-rating programs list sa NUTAM.

Sinundan ang KMJS ng Pepito Manaloto, 24 Oras, Daddy’s Gurl, Magpakailanman, Onanay, Daig Kayo Ng Lola Ko at Studio 7. Pasok din sa listahan ang Cain At Abel, Amazing Earth, 24 Oras Weekend, Wowowin, Imbestigador, My Golden Life, Eat Bulaga at Tadhana.

Mas maraming Kapuso shows din ang napasama sa listahan ng top programs kung saan 8 spots mula sa top 10 ng Urban Luzon ay nagmula sa GMA at 9 spots naman ang sa Mega Manila.

Samantala, panalong panalo rin ang free TV airing ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra Adrien Broner nitong Jan. 20. Nakakuha ang GMA ng 69.8 percent people audience share sa NUTAM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending