Laos na PR man may pakulo sa ‘pagkamatay’ ni Digong
ISANG laos na public relation man at nagpapakilala bilang “influencer” sa social media ang isa sa mga nasa likod ng pagpapakalat na namatay na raw si Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na sinusundan ng ilang malalapit sa dating administrasyon ay gumawa siya ng kwento na umano’y galing sa kanyang realiable sources.
Sinabi ng aking cricket na pilit na inilulutang ni Mr. PL na kilala rin sa tawag na “Kalbo” at “Bukol King” na noon pang Jan. 29 namayapa ang Pangulo.
Ilang beses pa niya itong sinabi sa mga malalapit kay VP Leni Robredo pero hindi siya pinansin ng mga ito dahil wala pa man sa Malacanang ay pilit na raw nagpaparinig na gustong magkaroon ng pwesto sa gobyerno ang nasabing laos na PR Man.
Si Mr. PL rin ang nasa likod ng kuryenteng mga balita na palalayain mg Supreme Court si Sen. Leila de Lima at siya rin ang nagpalutang na kakampihan ng mas maraming associate justices noon si dating CJ Maria Lourdes Sereno.
Dahil kilala rin siya bilang “Bukol King” o isyung nanggagamit lamang ng mga tao para magkapera kaya basang basa na rin ang kanyang papel sa industriya pati na sa media ayon pa sa aking Cricket.
Dati ko na rin siyang naisulat sa column na ito makaraan siyang ireklamo ng mga dating tauhan dahil sa hindi niya pagpapasweldo sa mga ito.
Ibinisto tuloy ng kanyang mga dating tauhan na nanlalaglag rin daw ito ng mga kliyente kapag hindi siya nababayaran.
Ang ibig sabihin ay kung saan ang mas maraming pera ay nandun ang kanyang pagkatao at buong dignidad.
Naalala ko pa nang minsan siyang atakehin ng alta presyon dahil sa taas ng cholesterol sa kanyang dugo dulot ng halos ay gabi-gabing pakikipag-inuman dahil nga mahilig siyang magpalibre sa mga dating kliyente.
At dahil mahina na ang pasok ng pera sa kanyang tanggapan kaya’t napilitan itong maging miyembro ng “troll team” ng ilang mga pulitiko ‘yun nga lamang at imbes na makakuha ng mga kakampi ay puro kaaway ang nadaragdag sa kanyang listahan.
Ang Kupas na PR Man na nasa likod ng pagpapakalat ng mga fake news laban sa pangulo ay si Mr. PL as in Palakang Lasenggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.