‘Elise’ nina Janine at Enchong Grade A sa CEB
BINIGYAN ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang “Elise” nina Janine Gutierrez at Enchong Dee.
Maganda kasi ang pagkakabuo ni direk Joel Ferrer sa movie at magagaling lahat ng cast members. Hindi ito gaya ng ibang romcom movies na predictable ang kuwento.
May mga hugot moments din naman sina Enchong at Janine na siguradong maraming makaka-relate pero walang masyadong hysterics sa mga madadramang tagpo.
Bukod sa remarkable direction, storytelling at magagaling na artista, kahahanga-hanga rin ang batang artistang kasama sa “Elise” na gumanap bilang si Rem na siyang pinagkuwentuhan ng karakter ni Enchong tungkol sa inspiring na love story nina Bert (Enchong) at Elise (Janine).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.