Loisa Andalio hiyang-hiya sa ginawa kay Dingdong: Gusto kong magtago! | Bandera

Loisa Andalio hiyang-hiya sa ginawa kay Dingdong: Gusto kong magtago!

- February 04, 2019 - 12:05 AM


HIYANG-HIYA ang Kapamilya youngstar na si Loisa Andalio sa nangyari sa kanila ni Dingdong Dantes sa thanksgiving party ng “Fantastica” kamakailan.

Ayon kay Loisa iyon na talaga ang pinakamatinding “most embassaring moment” niya. Napanood namin sa isang video sa Twitter na ipinost mismo ng dalaga, dito makikita kung paano nangyari ang nakakalokang eksena.

Mapapanood sa video na nakatayo si Loisa sa tabi ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte ngunit sa halip na ang kamay ng binata ang mahawakan niya, ang kamay ni Dingdong ang nakuha niya, na ikinagulat din ng Kapuso Primetime King.

“Pinaka-nakakahiyang moment ko na nangyari sa ‘kin. Gusto ko magtago,” ang caption ni Loisa sa kanyang video tweet.

Nagtawanan lang sina Ronnie at Dingdong sa nangyari na nakita rin pala ng co-star nila sa “Fantastica” na si Richard Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending