Ai Ai kay Rico J: Mami-miss ko yung binabastos niya ako! | Bandera

Ai Ai kay Rico J: Mami-miss ko yung binabastos niya ako!

Reggee Bonoan |February 04,2019
facebook
share this

Ai Ai kay Rico J: Mami-miss ko yung binabastos niya ako!

Reggee Bonoan - February 04, 2019 - 12:10 AM


ANG Valentine show na “The Hitmakers And Ai” nina Rey Valera, Marco Sison, Hajji Alejandro at Ai Ai delas Alas ay tribute para sa kasamahan nilang OPM icon na si Rico J. Puno.

Gaganapin ang concert sa Newport Performing Arts sa Resorts World sa Peb. 15 produced ng StarMedia Entertainment.

Supposedly “The Hitmakers” lang ang titulo ng show at kasama roon si Rico J, pero dahil nga sa biglaan nitong pagkamatay kaya pinalitan siya ni Ai Ai.

Aminado ang grupo na baka mag-iyakan sila sa mismong concert dahil kay Rico, “Malapit na siyang mag-sink in sa akin. More than 10 years na kaming magkakasama. Ayaw nu’n ng malungkot, ayaw niya ng nagdurusa. Gusto niya laging masaya!

“Ako, memories ko sa kanya masaya siyang kasama. Saka kahit na anong klaseng joke ay kaya niyang tanggapin. Kung napapansin niyo, kapag nagsosolo concert kami, nagsisiraan kami. Wala, ganoon lang. Nalulungkot lang kami kasi tulad niyan, meron akong kakantahin na kanta niya sa concert,” kuwento ni Marco.

Ayon naman kay Hajji, “Kahit anong sabihin niya sa akin, okay lang. ’Yung timing sa comedy at ang sarap niyang kabatuhan. Kausap mo pa lang siya, may sagot na. Kahit ano, hindi nakakasawa ang sasabihin niya. Ang sarap niyang kasama sa stage.”

Kuwento ni Ai Ai, “Ako, nalulungkot talaga kahit hindi ako Hitmaker. Kasi madalas ko ring kasama si Kuya, eh. At saka, mami-miss ko ’yung binabastos niya ako.

“Kasi minsan, pumipili lang ako ng bumabastos sa akin. Pag iba, nao-offend ako o hindi ko pinapalampas. Si Kuya, okay lang sa akin. Para siya lang ang may lisensiya. Sina Marco at Hajji, may K sila kasi masyonders (matanda) na!” dugtong ng komedyana.

Mabibili na ang ticket para sa “The Hitmakers And Ai” sa Ticketworld (891-9999).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending