UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, hihigpitan ang seguridad ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church sa Maynila.
Ayon sa parochial Vivicar ng Quiapo Church na si Rev. Fr. Douglas Badong, nagdagdag ng K-9 units at mga security personnel na umiikot sa simbahan.
Maya’t maya aniya ay sinusuri ang mga upuan at maging ang mga natutulog kapag gabi ay inoobserbahan.
Umaapela naman ang pari sa mga mananampalataya na maging mapagmatyag sa loob at labas ng simbahan.
Matatandaang nagdeklara ng heightened alert ang PNP kasunod ng pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo noong Linggo na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 20 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.