Huwag po! Huwag po! | Bandera

Huwag po! Huwag po!

Dennis Eroa - January 31, 2019 - 05:06 PM

MUKHANG hindi na mapipigilan ang pagkakaroon ng Philippine Boxing Commission na tuwirang aagaw sa tungkulin ng Games and Amusement Board (GAB) bilang tagapatnubay ng pro boxing sa bansa. Ayon sa batas, nasa patnubay ng GAB ang lahat ng propesyonal na isports sa bansa.

Ganunpaman, marami pa rin ang nagtatanong kung bakit kailangan pa ang nasabing boxing commission na itinutulak na maisabatas ni Senator Manny Pacquiao samantalang kung susuriin ay hindi naman nagkukulang ang GAB sa ilalim ng masipag at pro-active leadership si Abraham Kahlil ‘‘Baham’’ Mitra na unang gumawa ng pangalan bilang mahusay na kinatawan at gobernador ng Palawan.

Umani rin ng paghanga si Mitra matapos ang matagumpay na hosting ng bansa noong nakaraang Nobyembre ng ng 3rd World Boxing Council Women’s Convention and Asian Summit sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Dumating ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng boksing at iisa ang kanilang sinasabi matapos ang hindi makakalimutang hosting ng GAB.
Gawin uli sa Pilipinas ang pulong!!!

Hindi ba’t may parangal pang nakuha ang GAB bilang 2017 Commission of the Year mula sa World Boxing Council dahil sa libreng health exams para sa boxers na dati-rati’y binubuno pa ng mga promoter?

Patuloy din ang trabaho ni Mitra katulong ng mga GAB commissioner na sina Mar Masanguid at Eduard Trinidad at boxing chief Jun Bautista upang mapangalagaan ang karapatan nng mga boksingero at tiyakin ang kanilang kaligtasan. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mgasukatan upang tiyakin na ang mga lugar sanayan at mga lugar ng boksingan ay mga tamang pasilidad.

Hindi natutulog sa pansitan ang mga GAB commissioners at mga tauhan nito!

Tinitiyak din ng GAB na maayos ang sistema sa mga promosyon at hindi madedehado ang mga boksingerong nakikipag-sapalaran sa ibang bansa.

Sa tulong ng sikat at pilantropong Thai promoter ay may binibigay ang GAB sa mga dating Pinoy world champion at mga kaanak nila.

Maayos na rin ngayon ang samahan sa pagitan ng GAB at mga promoter sapagkat palaging bukas sa komunikasyon ang opisina ni Mitra. Ika nga, kung may problema, bigyan ng solusyon. Ang lahat ay nadadaan sa usapan ngunit dapat ang mga solusyon ay naaayon sa batas. Hindi gumagawa ng mga alituntunin ang GAB na walang kosultasyon sa mga ‘‘affected parties.’’

Hinihintay lang ng GAB ang kahihinatnan ng boxing commission at kung pipirmahan ito ni Pangulong Duterte sakaling pumasa ito sa Kongreso.
Isa pa, hindi lang naman boksing ang pinagkakaabalahan ng GAB sapagkat lahat ng propesyonal sports (kabilang ang e-sports) ay dapat makakuha ng suporta mula sa ahensya.

Malinaw na wala sa panic-mode ang GAB na abala sa pagbibigay-basbas sa 9th Ronda Pilipinas na iikot sa mga probinsiya ng Iloilo, Guimaras, Roxas City at Antique at sa pitong yugto ng MMF Supercross Championship na bubuksan sa Taytay, Rizal.

Nasa ilalim din ng GAB ang Ironman triathlon. Kailangang kumuha ng mga lisensya ang mga banyagang kalahok sa GAB sa mga yugto ng Ironman na gagawin sa Davao, Cebu at Subic Bay. Hindi lang triathlon kundi nasa ilalim din ng GAB ang marathon, duathlon, swimming race walking at cycling.

Siyempre pa, nasa pinapatnubayan ng GAB ang sabong at horseracing.

Pipirmahan ba ng Pangulo ang pagkakaroon ng bagong boxing commission?

Sigaw ng Peks Man sa Malacañang. Huwag po!, Huwag po!

PSL NAMAMAYAGPAG
Simula pa lang ng taon ngunit matagumpay agad ang Philippine Swimming League (PSL) na pinamumunuan ni Asian Gamer Susan Papa.

Muling sinira ni swimming phenom Jas Mojdeh ang Philippine national junior record sa ika-152 edisyon ng PSL National Series-ABC Swim Challenge na ginanap kamakailan sa state-of-the-art Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite.

Naorasan ang Palarong Pambansa most bemedalled athlete ng 1:04.71 segundo upang sirain ang sariling marka na 1:05.10 sa girls’ 12-year 100m butterfly. Ginawa ni Mojdeh ang dating marka sa SICC Swimming Championship noong Agosto sa Singapore.

Pinoste rin ni Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ang dalawang meet records (200m butterfly (2:22.55) at 200m breaststroke (2:52.70) – sa torneo na suportado ngThe Manila Times, Behrouz Persian Cuisine, Jas Yummy Steakz, MX3, TYR at Vermosa.

Hindi rin nagpahuli si Male Swimmer of the Year na si Marc Bryan Dula ng Masville Elementary School na may tatlong bagong marka sa boys’ 11-year division. Pambato si Dula ng Susan Papa Swim Academy at coach niya si Alex Papa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dadalhin nina Dula at Mojdeh ang kampanya ng Parañaque sa Palarong Pambansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending